Monday, October 23, 2006

Wala Lang..

Nagsoul searching ako sa Luneta nung isang madaling araw. Nafrustrate lang ako. Naghahanap kasi ako ng nagbebenta ng shiny red balloon. Sabi ni Jack, "Sige nga, kung ikaw yung maglolobo, magtitinda ka ba ng alas tres ng madaling araw?"


Hmmn..good point, good point..

Dahil hindi ko nakuhang magsuklay kaninang umaga, isa na'kong ganap ngunit proud na rakista..

Friday, October 20, 2006

Secrets




































photos from xkcd and post secret.

Friday, October 13, 2006

Friday the 13th

Ngayon ko lang napatunayan na malas talaga ang friday the 13th. Sobrang gipit na ako ngayon at kahit sunugin mo ko ng buhay eh hindi ako mangangamoy pera. Kung hindi magpapasweldo ngayon eh mapipilitan na akong bumuo ng samahan na aanib saking mag-umalsa. Ang plan B ko naman e manlikop ng mga bagay na pwedeng dalahin kay Ninong Ceb at Tita Lulu. (Cebuana-Lhuillier Inc.)

Bukod sa wala akong pera, wala na rin ako sa mood. Kasalukuyang pinapatugtog nanaman ni Ron ang kantang "Somos Novios" ng paulit-ulit na sya namang nagpapakunot sa noo ko. Kundi ako napapayosi sa oras ng trabaho e hanggang sa pag-uwi ko nagpeplay na sya sa utak ko.

Pambihira, sira ang aircon. 'Di mo na maitatanong, hinihintay ko na ang pag-apila ng konsensya ko para itanong kung nag-Safeguard ako. Kung ang aircon ay nasira, himala namang nag-self healing ang "hot" sa water dispenser namin. Magkakape pa rin ako kahit mainit.

Pangalawang araw ko ng hindi hinaharas ang kanin pero patuloy parin ang pang-aabuso ko sa kape. Sobrang hirap ng buhay, makakakita pa kaya ako ng nyebe?

Pang holloween ang suot ko ngayon, orange. Kulay kalabasa. Nasa lalabahan ang lahat ng itim. Ewan ko ba kung bakit ko pa ito sinasabi, mi ultimo si Tender Heart ng Carebears won't care. Halos lahat kasi ngayon ay naka-pink at sadyang naiinggit ako.


Nakausap ko ulit yung kaibigan kong nasa Boracay. Mukhang paraiso naman ang buhay nya doon. Sabi nya, apaw ang trabaho dun. Naisip ko lang na magandang halimbawa ito ng pag-escape. Ewan ko lang kung sundan nyo pa'ko! Bora-Mla Mla-Bora repeat 10,000 times, Deal or No Deal? Head or Tails? Yes or No? To Be or Not To Be? Pera o Bayong? Kwarta o Kahon? Laban o Bawi? Oo o Hindi? Sa Pula, Sa Puti?


Thursday, October 05, 2006

Outburst!

photo from here.