Tuesday, December 11, 2007

Letter to Northpole

Dear Santa,

Pasko na naman. Sana nasa mabuti kang kalagayan. Bore ka na ba sa pagbabalot ng regalo? Kung wala lang akong shift ngayon e tinulungan na kita.

Alam mo Santa, 'wag ka sanang magdalawang-isip na regaluhan ako. Inaamin kong hindi ako nice ngayong taon na'to pero tinatry ko namang bumawi. Hindi ba ang pag-amin sa kasalanan ay isa rin naman kabutihan? One point na yan Santa, ang paghuhugas-kamay.

Nakakalungkot ang paskong ito Santa, gusto ko lang magsentimiento pimiento. Gusto ko lang malaman mo na sa opisina ako magpapasko. 'Di na'ko magpapatumpik-tumpik pa, gumawa na'ko ng wish list ko at may malaking sako na sa post ko. Inaabisuhan lang kita na isa na'ko sa mga NPA {No Permanent Address} kaya sa office mo na lang dalhin ang mga regalo mo. Sa Allied Bank na'ko nadistino ngayon sa may Makati Ave cor Ayala Ave. kung saan nag-umalsa ang sambayanang Pilipino dahil kay Trillanes. Santa, wala nga palang chimney sa building kaya gumamit ka ng elevator sa may right side para hindi serving all floors at ng 'di ka mainis. ACS ang kumpanya ko at Spirit Airlines ang account. 'Di mo na kailangang maglog-in sa biometrics, dumeretso ka na lang kung gusto mo kong ma-meet ng personal, pero kung nasha-shy ka naman e kumaliwa ka na lang sa locker room at hanapin mo ang locker ko, 214 at iwan dun ang mga regalo mo. Garantisadong maiintindihan ni manong guard ang pakay mo.

Hanggang dito na lang ang liham ko. Regards na lang kay Rudolph, and red nose mong reindeer.

Umaasa,

Jeni

P.S.

Pakiregaluhan na lang po ng kalendaryong may malupit na picture ko ang mga ex ko, na ang holiday ay July 15, birthday ko. Matino naman po sila e, pagtulog.

No comments: