Wednesday, December 12, 2007

Purdoy

Dear Pera,

Kamusta? Sana nasa mabuti kang kalagayan. Alam mo, matagal na rin akong nanabik sa pagdating mo. Miss na miss na nga kita e. Minsan iniisip ko na pinagtataguan mo na 'ko. Pasko pa naman, hahayaan mo bang malamig ang pasko ko? Matagal na kong kumukontak sa'yo mukhang busy ka lagi, kung kani-kanino na kita hinahanap, tinatry kitang tawagan sa numero mo, dial-8-P-U-R-D-O-Y pero 'di mo sinasagot, eto pa din ba ang gamit mo? I even try sending you an email sa kapos_ako@purdoy.org pero 'di ka nagrereply. Paramdam ka naman. Hindi ko kayang wala ka, please..

Nagmamakaawa,

Jeni

No comments: